PAANO I RANK ANG YOUTUBE VIDEO 2020 | SEKRETO NA DAPAT MONG MALAMAN


PAANO I RANK ANG YOUTUBE VIDEO 2020



 


Magandang araw mga ka paano, isang panibagong video na naman ang inyung kapupulutan ng aral, dahil dito sa ating channel PAANO TUTORIALS ibat-ibang kaalaman ang inyung matutunghayan tungkol sa kung paano gawin ang mga bagay2. sa ating video ngayun ay ituturo ko sa inyu kung paano ko pina rank sa YouTube searches at pina viral ang mga YouTube videos ko kahit kunti palang ang aking subscribers. 

Pero paalala mga ka paano hindi ako YouTube expert kundi base lamang ito sa sarili kong mga karanasan at sariling pagsasaliksik. 

Ang article po na ito ay para sa mga merong youtube channel, mga nagbabalak palang, at yung mga bago palang sa larangan ng YouTube.

Mga ka paano hindi sapat na meron kang napakagandang video na iuupload sa youtube kundi dapat ay marami ding makapanood ng YouTube video mo o dapat mag viral ang video mo, pero paano ngaba gawin yan?

Kung ang sumasagi sa isip mo ngayun na paano kung maliit palang ang  subscribers ko ? mag rarank kaya ang youtube video ko sa YouTube search?

Ang sagot mga kapaano ay oo, siguro ang laki ng subscribers mo ay nasa 20% lamang nakaka apekto para mag rank ang YouTube video mo at maging searchable ito.

Paano ko nasabe? 

oh sige, isa sa halimbawa nito ay ang video natin  na ngayun ay meron ng kasalukuyang 21k views at 1 month palang ang nakakalipas ang upload natin na ito. at ng inupload ko yan kunti palang mga subscribers natin. Baka sabihin nyo namang sinuwerte lang ako? para talaga masabi nyong hindi swerte ang upload natin na ito, tignan nyo itong isang upload nating 2 weeks ago palang naka kuha na sya ng 9k views, meron pa tayung 4.9k views in 1 week at same tricks din ginamit natin. 

Ano ba ang tricks na ito? 

ito po ay pinangalanan ko na

SEOSVTHUMBNAIL TRICKS

or

SEO

SEARCH VOLUME

THUMBNAIL TRICKS

Una ano ba ang SEO?

Ibig sabihin po ay search engine optimization, ano po ba ang search engine optimization? yan po yung pag oorganize ng iyong content para maging searchable sya sa youtube search engine. Paano ba ang pag oorganize nyan? ito po ang mga pinaka mahalagang kailangan natin,  tamang META DATA, kung wala kang background kung ano ang META DATA, yan po yung kabuuan ng TITLE, DESCRIPTION, at TAGS, 

Paano ba gawin ang tamang META DATA?

una, dapat  maka isip ka ng magandang keyword para sa iyong title dahil ang mismong keyword po na yan ang magsisilbing title ng youtube video mo.

Ano ang basehan ng pagkakaroon ng magandang keyword? so dito na pumapasok yung tinatawag nating search volume, dapat ang content na gagawin mo ay in demand oh maraming nag sesearch nyan, dahil kahit gaano pa kaganda ang iyong content kung kunti lamang ang interesado nyan kahit mag rank pa yan sa youtube search panigurdong kunti lang din manonood ng YouTube video mo. 

 Paano mo naman malalaman kung  maraming nag sesearch nyan? 

 Simple lang, buksan mo ang iyong youtube search, kung halimbawa ang content mo ay tutorials pwede ka mag search ng keyword na paano, at kung mapapansin nyo na hindi ka palang tapos mag search meron ng mga inererecommend si YouTube yan yung mga topics na maraming nag sesearch, 

so yang mga lalabas na yan yan yung mga top list ng mga ini rerecommend ni youtube dahil maraming search volume or maraming nag search sa speciefic video na yan.

Ngayun alam mo na kung anong keyword ang gagamitin mo sa title mo at in demand ang plano mo na content sa youtube search ganito naman dapat mong gawin.

Ilagay mo ang keyword mo sa title kagaya nitong sakin napili na keyword "PAANO I RANK ANG YOUTUBE VIDEO 2020", tapos pwede mo yang lagyan ng supporting title sa pamamagitan ng paglagay nitong vertical line, 


ang paggawa po ng vertical line ay ganito po, pindutin nyo po Yung shift tapos sabay pindot na parang guhit na malapit sa enter, then pag meron kanang vertical line lagay mo na supporting details ng post mo. Ang purpose po ng vertical line ay para sabihan ang youtube na ang keyword lang natin ay yung nasa unang bahagi lang.



How to Type Vertical Bar Pipe "|" - YouTube

Then after nyan yung keyword mo ay dapat makikita rin sa description, so ganito ang paglagay ng keyword sa description;




1. Dapat gumawa ka ng hashtag gamit ang keyword na ginamit mo sa iyong title, kagaya nalang nyan #PAANOIRANKANGYOUTUBEVIDEO2020, sa first word  palang sa description makikita nyo na paulit ginamit ang keyword na nasa title, dyan po kasi mas nagiging malakas ang title natin, tapos dagdagan nyo po ng mga hashtag na related sa title nyo, dapat 3 hashtag po lahat.

2. Kung makikita nyo sa ibaba naman ng ating mga hashtags ay ginamit na naman ang keyword na paano i rank ang youtube video 2020 na keyword natin, pero sa pagkakataon na ito dapat ay gamitin mo ang keyword in a sentence form yung hindi namn masyadong halata na inulit-ulit mo ang keyword na yan, ang magiging impression kasi ni youtube nyan ay para kang nagiging robot kaya ang purpose ng sentence form na yan ay para masabi ni youtube na tao talaga ang gumagawa ng META DATA mo.

3. Next naman ay lagyan mo ng maraming tags ang description mo yung related naman sa content na gagawin mo, pero dapat siguraduin mo na naka una nanaman yung keyword mo kagaya nitong nasa ibaiba na larawan.

Tapos yung ibang tags na yan ay dapat related sa content mo at talagang sinisearch ng ibang tao sa youtube, paano mo naman masisiguro na isinisearch talaga yan ng ibang tao ang title na yan?

Meron po tayung ginagamit na online tool at ito po ay keywordtool.io, search nyo lang po yan at gamitin nyo ang keyword na related sa video nyo, lahat pong lalabas na result dyan ay yun po ang mga searches ng mga tao sa youtube search engine tungkol sa specific topic na yan.


I-check nyo lang po yang mga keyword na gusto nyo gamitin sa tags nyo, tapos ay i click mo yang copy na nasa lower right ng screen mo yang may orange na copy, para ma copy mo at ma i paste mo na sa description mo. Malaki po ang space ng description natin kaya minsan ay nakakaligtaan po natin na gamitin lahat ng ito, kagaya nga ng sabi ko hindi sapat na maganda ang content mo kung hindi naman ito searchable sa youtube search.  


Isa sa pinaka importante din dito ay yung sa tags dahil dito mismo mas nagiging mabigat ang keyword mo dahil ito nga mismo yung area na kung saan ilalagay natin yung mga tags at keyword natin, yung ginawa natin sa TITLE at DESCRIPTION mga supporting tags lang sya, so ang gagawin mo kung ano yung tags na inilagay mo sa description mo yun din ang ilagay mo sa tags area ng video na iuupload mo, pero dahil maliit lang ang area sa tags ay atleast i make sure mo nalang na nauuna parin ang keyword na ginamit mo.


Simpleng tricks mga ka PAANO, magandang META-DATA magrarank at searchable ang video mo, Maraming interested sa topic mo o malaki ang search volume ng topic mo equals maraming viewers sa video mo. 

Tapos lagyan mo pa ng engaging na Thumbnail, hindi lang dapat basta maganda dapat talaga yung napapaclick sila. Kaya stay tuned mga ka paano dahil sa next future video natin ay gagawa tayu ng tutorial kung paano ba gawin ang sinasabi nating engaging thumbnail.


So yun lang mga ka paano, ang resulta ito po, rank 1 pag sinearch natin ang video natin, naka schedule for live palang yan hindi pa mismong upload yan how much more kung madadagdagan pa ng views nyan eh mas lalalong youtube recommended po yan.


Comments