PAANO I FIX ANG PROBLEMA SA ADSENSE PARA KAY YOUTUBE?

PAANO I FIX ANG PROBLEMA SA ADSENSE PARA KAY YOUTUBE?


A Beginner's Guide to Google AdSense



        



Magandang araw mga kapatid, siguradong andito ka ngayun upang malaman ang isang napaka importanteng dapat mong gawin kung sakaling naabot mo na ang minimun na kinakailangan ng iyong youtube channel para maka apply sa tinatawag nating Youtube Partnership Program o sa madaling salita para ma monetize ang iyong channel. Kagaya namin ay naranasan  rin namin ang pagsubok na yan at halos mawalan kami ng pag.asa nuung hindi talaga namin ma tapos-tapos ang step 2 ng youtube monetization, ang pag connect ng adsense sa youtube natin para ma review na ito ni youtube for monetization. Pero ngayun tatalakayin natin kung paano ba ayusin ang problemang ito sa adsense, tatalakayin din natin ang ibat-ibang mga problemang posible mo palang makaharap o nakaharap mo na sa pag apply ng adsense para sa youtube channel mo. Ito ang mga listahan ng mga nakaharap naming problema sa pag apply ng adsense at kung ano ang ginawa naming solusyon sa mga ito;


1. DUPLICATE ADSENSE ACCOUNT 

Can't close my duplicate AdSense account - AdSense Community

Ibig sabihin ng duplicate adsense account ay meron ng higit sa isang adsense account ang nagawa under sa pangalan mo, saang pangalan ba ang ibig sabihin nito? itoy hindi pangalan na naka register sa gmail account  mo kundi pangalan na inilagay mo sa payment information ng adsense mo, dahil ang pinahihintulutan lang ng adsense ay isang payee name every  adsense account.

Ang pagkakaroon ng higit sa isang adsense account ay maaring maging dahilan para hindi ma monetize ang iyong youtube channel, dahil nga kung hindi mo magawa ang step 2 which is ay ang pag connect ng adsense sa iyong channel para tuluyan na itong ma review ni youtube ay mag reresulta ito ng pagka disable ng iyong monetization ni youtube kagaya ng nasa babang larawan.



Isa yan sa magiging mangyari kung sakaling meron kang duplicate account sa adsense mo o hindi na approve ang adsense na ni link mo kay youtube. Kung sakaling mangyari ito sa iyo ibig sabihin nyan mawawala yung ability nyo para ma complete ang steps sa youtube monetization. Pero wag po kayu mag.alala dahil ito lang po ang dapat nyong gawin para makita nyo ulit ang mga step na iyon para sa youtube monetization na pag apply.

Step 1. Click manage your google account

2.  Click Payment and subscriptions

Step 3.  Click payment methods

  

Step 4. Click settings, tapos scroll down sa pinakababa ng settings.

Step 5.  Close payment profile


Step 6.  Click nyo po continue at piliin ang gusto nyo na reason, pero sa akin yung I don't want to give a reason ang pinili ko. Then ayun tapos na, antay lang po kayu atleast 1 day or anytime check nyo lang sa youtube studio nyo po.

At ang isa naman ay yung "FIX IN ADSENSE" na error kagaya ng nasa ibabang larawan. Tandaan nyo po na hindi kinakailangan na kung ano ang email address na ginamit mo sa iyong youtube channel ay yun din ang gamitin mo sa adsense account mo, pwede kahit ano pong gmail account as long as hindi mo pa sya nagamit sa pagawa ng adsense at ang gamitin mo na payee name ay hindi na duplicate, kung sakaling duplicate na ang name mo ay subukan mo munang hanapin kung saan gmail account mo na duplicate ang pangalan mo, wag kayung mag-alala dahil kapag na reject kayu sa adsense ay mag e-email naman doon si adsense kung anung gmail account mo ang merong ka duplicate ng pangalan mo at sa ibaba ibibigay ko po sa inyo ang ibat-ibang solusyon na maari nyo pong gawin kung sakaling ganito ang mangyari sa inyo.

Methods: 

1. I close ang iyong isang adsense account kung saan naka register ang iyong pangalan sa adsense na iyon, at para sa tamang proseso ng pag close ng adsense account i bibigay ko po ang official steps para gawin mo ito.

Link>> https://support.google.com/adsense/answer/9914?hl=en


2. Pagkatapos mo na ma i close ang duplicate account na yan ay pumunta ka ulit sa youtube studio mo at i click mo ang  FIX IN ADSENSE na makikita sa step 2 ng pag apply ng monetization ng channel mo, ilagay mo ang ibang email address na hindi mo pa nagamit at i try mo ulit mag link ng adsense gamit ang pangalan mo. Kung sakaling hindi parin matagumpay ang sunod na gawin mo ay gumamit ka ng ibang pangalan na ilalagay mo sa payment method mo at i try mo ulit kung ma approve ba ang adsense account mo, siguruin nyo lang po na ang ilalagay mo na pangalan ay yung kakilala o pwedeng kamag anak mo para kung sakaling ma approve man ang youtube channel mo at sana nga po, at kung naabot muna ang minimum threshold mo para makuha ang sweldo mo sa youtube mo ay pwede mong lapitan ang kakilala o kamag anak na nilagay mo para magpatulung kang mag withdraw.

3. Sa huling steps po na ito ay kung sakaling kung nagawa mo na ang lahat ng steps at tips na itinuro natin at hindi parin gumana at na approve ang adsese account mo. Bali ang gagawin nyo lang po ay gumamit ng ibang gmail account para i relink ang adsense mo at gumamit ka ulit ng ibang pangalan ng kamag anak mo, pero sa pagkakataong ito ibang device na po ang gamitin nyo or ibang phone ang gamitin nyo sa pagpunta sa youtube studio nyo at pag relink ng adsense account nyo, dahil sa paraan pong ito kami na approved sa adsense at na review ni youtube hanggan sa na monetize ang youtube channel namin, tandaan nyo lang po as long as walang violation ang youtube channel nyo sa youtube policies after nyo mapagtagumpayan ang adsense ay siguradong approved na kayu nyan ni youtube. Para po sa mga katanungan pag iwan lang po kayu ng comment tungkol sa inyung mga tanong at malugud po namin itong sasagutin.




Comments

Post a Comment